𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡

Patay ang Isang disi otso anyos na binata matapos ang naganap na banggaan ng motor at truck sa bayan na Mapandan.

Nakilala ang namatay na biktima na si Jhon Paul Josoy residente ng Barangay Primicias sa nasabing bayan.

Ayon sa Imbestigasyon naganap ang aksidente pasado alas onse ng umaga sa Barangay Jimenez kung saan ay sakay ng kanyang motor ang biktima nang mapunta ito sa kabilang linya ng kalsada.

Sa kasamaang palad ay bumangga ang motor nito sa kasalubong na truck dahilan upang tumilapon ito at magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival habang dinala sa himpilan ng PNP ang driver ng truck para sa karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments