π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π—”π—žπ—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—”π—šπ—¦π—”π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜ π—˜π—©π—˜π—‘π—§ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Patay ang isang lalaki matapos masangkot sa aksidente sa kasagsagan ng Boss Ironman Challenge sa Dagupan City.

Ang biktima ay nakilalang si Dexter Disu residente ng Bonuan Boquig sa Lungsod ng Dagupan.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang ginaganap ang Boss Ironman Challenge at nasa bisinidad sila ng Dagupan City ng maganap ang aksidente.

Sakay ng kanyang motor ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Barangay Bonuan Boquig pasado alas dos ng madaling araw na di umano’y pagewang-gewang, nang ito ay mabangga ng isa sa mga kalahok ng nasabing kaganapan na nakilalang si Cyril Bautista na taga La Union.

Kasabay nito, nabangga naman si Bautista ng kasunod nitong kalahok din ng nasabing kaganapan na nakilalang si Smael Torres residente ng Pasig City.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga sangkot na agad naman naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival si Disu habang kasalukuyang inoobserbahan pa ang dalawa.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing aksidente. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments