𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦

Patay ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang mahigit sampung iba pa sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa bayan ng Rosales.

Ang mamatay na biktima ay kinilalang si Mario Pascua residente ng Lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa imbestigasyon angkas ng Isang SUV ang biktima kasama ang siyam na iba pa at binabagtas ang kahabaan ng bahagi ng TPLEX sa bayan ng Rosales Convoy ang Isang truck na may lulan na tatlo katao at sumusunod sa kanila ang isang Bus.

Bigla umanong nawalan ng preno ang sumusunod na bus na dahilan upang mabangga nito ang SUV na sinasakyan ng biktima dahilan upang tumilapon ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Maging ng truck na kasunuran ng SUV ay nadamay din sa aksidente habang ang bus naman ay gumewang papuntang gilid ng expressway.

Dahil dito ay nagtamo ng sugat ang lahat ng sakay mga sasakyan na agad naman naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang biktima habang kasalukuyang inoobserbahan pa ang mga sangkot dito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments