Umaabot sa halos dalawandaang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang treinta y siete anyos na lalaki matapos ang ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.
Ang suspek ay nakilalang si Ramil Tubal residente ng Brgy. Salay sa bayan ng Mangaldan.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas nuebe ng gabi sa Brgy. Bolosan na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 grams at nagkakahalaga ng ₱170,000.00.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Dagupan ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments