Monday, February 9, 2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗪𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 “𝗕𝗔𝗞𝗟𝗔”

Cauayan City – Maswerteng nakaligtas ang isang lalaki matapos siyang saksakin ng kanyang katrabaho na kanyang tinukso at tinawag na “bakla”.

Nangyari ang insidente noong ika-3 ng Pebrero sa Baguio City kung saan sangkot rito ang 44-anyos na biktima at 25-anyos na suspek, parehong construction worker.

Ayon sa ulat, bago mangyari ang insidente ay magkasama pa umano ang dalawa sa isang grupo at nag-iinuman. Habang nag-iinom, isang babaeng entertainer ang kanilang nakasama kung saan tinawag nito ang suspek na “bakla”.

Noong pauwi na ang dalawa sa kanilang quarters matapos ang inuman, sinimulan umanong tuksuhin ng biktima ang suspek sa pamamagitan ng pagtawag sakanya ng “bakla”.

Hindi na nakapagtimpi pa ang suspek sa pang-aasar ng biktima dahilan upang dumampot ito ng kutsilyo at sinaksak ang biktima. Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima sa pagamutan para sa agarang lunas.

Maaari namang maharap sa kasong attempted murder ang suspek dahil sa nangyaring insidente.

SOURCE. GURU PRESS CORDILLERA

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments