Patuloy pa ring binabantayan ngayon ang antas o lebel ng tubig sa San Roque Dam sa gitna ng nararanasang epekto ng tag-init.
Kahapon, nasa 233.13 meters above sea level mula sa 280 masl na normal na antas nito o nasa 46.87 masl ang diperensya.
Samantala, kamakailan, siniguro ni Tom Valdez ang Bise Presidente ng San Roque Power Corporation o SRPC, na normal pa ito at kaya pang mag-supply ng kuryente sa mga nasasakupan nito.
Dagdag pa nila na ang dam ay naggegenerate lamang ng walong oras kada araw kaya’t nakakapag-ipon ito ng nasa 0.02 masl araw-araw.
Pagsisiguro naman ng administrasyon ng SRPC na malabong maabot nito ang critical low water level.
Gayunpaman, hinihikayat ni Valdez ang publiko na magtipid ng tubig dahil inaasahang tatagal pa ang epekto ng el niño.
Ang San Roque Dam ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng suplay ng kuryente sa Pangasinan maging ng mga kalapit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨