𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗢𝗨𝗧𝗔𝗚𝗘, 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Hindi rin nakaligtas ang ilang bahagi ng Lalawigan ng Pangasinan sa ipinatupad na Manual load dropping ng hanay ng NGCP sa ilang bahagi ng Luzon.

Ito ay matapos isailalim sa red alert ang ilang bahagi ng Luzon kahapon dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente.

Kasama sa mga nagkaroon ng power outage kahapon na umabot na humigit kumulang isang oras ay ang mga lugar ng Dagupan City, Sta Barbara, Calasiao, at bayan ng San Fabian pasado alas kwatro ng hapon hanggang pasado alas singko.

Kanya-kanyang diskarte naman ang mga Pangasinense upang maibsan ang matinding init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments