
Cauayan City – Upang mas mapalapit ang teknolohiya sa mga mag-aaral at guro, namahagi ang DICT Region II ng libreng Bayanihan SIM cards sa 11 pampublikong paaralan sa bayan ng Echague.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang Garit Sur at Garit Elementary, Highway Region National High School, San Juan, Rumang-Ay, Malitao, Dammang Malitao, Bacradal, Libertad, at San Antonio Elementary Schools.
Bawat SIM card ay may 25GB na libreng data bawat buwan sa loob ng isang taon.
Ayon kay Engr. Magdalena Gomez, makakatulong ang SIM sa pag-access ng online learning materials, pananaliksik, at iba pang digital platforms na mahalaga sa edukasyon ng mga estudyante at guro.
Layunin ng programa na palawakin ang digital inclusion sa Cagayan Valley at tiyakin na walang mag-aaral ang maiwan sa makabagong teknolohiya.
Source: PIA Isabela
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










