
Cauayan City – Isang magsasaka ang natagpuang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang sakay ng traysikel sa Barangay Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao Del Sur, kahapon ika-11 ng Enero 2026.
Kinilala ang biktima na si alyas Sulaiman, na residente ng Barangay Bulod.
Ayon sa report, nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ang naturang suspek matapos itong tumakas pagkatapos gawin ang naturang krimen
Sa ngayon, isinasagawa ng Datu Montawal Police Station ang imbestigasyon at naturang disposisyon upang malaman at matukoy ang motibo sa krimen at makilala ang mga salarin.
Inaalam din kung may kaugnayan ang insidente sa personal na alitan o iba pang dahilan.
Source: BANAT News Publishing Services
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










