π— π—”π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π——π—”π—”π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—•π—’π—‘π—š π—£π—œπ—¦π—’π—‘π—š π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗠𝗔π—₯π—œπ—π—¨π—”π—‘π—” 𝗔𝗧 π— π—šπ—” π—•π—”π—Ÿπ—” π—žπ—¨π— π—£π—œπ—¦π—žπ—”π——π—’ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗦𝗔 π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—‘π—’π—¦ π—–π—œπ—§π—¬

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang kwarenta y sais anyos na lalaki sa Alaminos City matapos ang matagumpay na implementasyon ng search warrant sa tahanan nito.

Ikinasa ang search warrant implementation sa bahay ng suspek sa Brgy. Palamis mula alas diyes ng gabi hanggang ala una pasado ng madaling araw.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska dito ng labing Isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tatlumpung gramo at nagkakahalaga ng β‚±204k kasama pa ang limang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, mga bala mula sa Caliber 38 na anim, pitong bala ng Caliber 45 at labing pitong bala ng Caliber 9mm pistol kasama pa ang Ilang mga paraphernalia.

Bagamat wala roonn ang target sa operasyon ay inihahanda pa din ang kasong isasampa laban dito. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments