
โCauayan City – Naaresto ang apat na indibidwal sa Maddela, Quirino, matapos ang anti-illegal logging operation na isinagawa ng Quirino Police Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company, at Maddela Police Station.
โ
โSa ulat, naaktuhan ng kapulisan na pumuputol ng kahoy ang mga suspek nang walang kaukulang permit.
โ
โNakumpiska sa operasyon ang tatlong chainsaw at 234 piraso ng common hardwood na may kabuuang 3,869.13 board feet, na tinatayang nagkakahalaga ng โฑ232,147.80 ayon sa scaling ng CENRO Nagtipunan.
โ
โKasalukuyan namang nasa kustodiya ng Maddela Police Station at nahaharap sa kaso sa ilalim ng Presidential Decree 705 at RA 9175 ang nga suspek.
โ
โSamantala, inihayag ni Police Colonel Paul Gamido na patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa illegal logging sa lalawigan.
โ
โBinigyang-diin ng kapulisan ang patuloy na kampanya laban sa ilegal na pagputol ng puno at paggamit ng chainsaw nang walang permit, at pinaalalahanan ang publiko na tumulong sa pangangalaga ng kalikasan at likas-yaman ng Quirino.
โ
โSource: Quirino PPO
โPhoto: For illustration only










