Kapansin-pansin ang dagsa ng mga lokal na turista sa Maples River sa Aguilar nang muli itong buksan, habang patuloy naman ang pagtutok ng awtoridad sa kaligtasan at seguridad para sa mga dumarating na lokal na turista.
Ilan sa bumibisita ay mga pamilya at magkakaibigan na nais makapagpahinga at maligo sa nasabing ilog.
Ayon naman sa opisyal ng Barangay Buer na isa sa mga may sakop ng Maples River, tinitiyak nilang ligtas at maayos ang pagpunta ng mga bisita sa kanilang nasasakupan at inaabisuhan ang mga ito upang maiwasan ang anumang uri ng insidente.
Nakiusap rin sila na kung maaari ay maging responsable ang mga bisita sa kanilang mga dinadalang gamit at mga basura upang hindi naiiwang nakakalat sa ilog at mapanatili pa rin ang kalinisan sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









