
Cauayan City – Arestado ang dalawang indibidwal matapos masamsaman ng mahigit tatlong daang libong piso sa isang spot checkpoint sa Barangay Mangayang, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga suspek bilang alyas “Juan” at alyas “Jenny”.
Nasamsam ang iba’t ibang kahon ng sigarilyong may tatak na Two Moon at Modern (Lights, Red at Green), na may kabuuang 780 reams at 9 na pakete ng sigarilyo na may halagang ₱312,760.00.
Sa isinagawang inspeksyon, pinahinto ng mga awtoridad ang isang gray Toyota Hilux na minamaneho ni alyas “Juan” kung saan nadiskubre sa loob ng sasakyan ang ilang kahon ng hinihinalang pekeng sigarilyo.
Nabigo naman ang mga suspek na magpakita ng anumang legal na dokumento o pahintulot sa pagdadala ng naturang mga produkto.
Isinagawa ang operasyon ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (NVPMFC) katuwang ang Dupax del Sur Police Station.
Kasalukuyang nasa Dupax del Sur Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 263 ng Republic Act No. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









