Paiigtingin pa ng PDEA Regional Office 1 ang kanilang operasyon at mas maghihigpit sa border control ng Rehiyon upang tuluyang mapuksa ang suplay ng droga sa unang rehiyon.
Sa kabuuan, nakapagsagawa ng ahensya ng 17 marijuana eradication operations at 26 high-impact seizures noong 2023.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 101 high value targets sa Ilocos Region.
Ayon kay PDEA Region 1 Regional Director Joel Plaza, prayoridad ng mga law enforcement agency na mapuksa ang mga source at manufacturer ng ilegal na droga. Sa pamamagitan nito, mapapababa o matitigil ang distribusyon.
Kaugnay nito, nais ng ahensya na doblehin ang seguridad at magtatag ng security mechanism upang malabanan ang pagpasok at pagkalat ng ilegal na droga sa rehiyon.
Dagdag niya bilang karagdagan sa mga intel sa seaports nakapagsagawa na rin ang ahensya ng mga training sa mga mangingisda at komunidad upang mapigilan ang drug smuggling sa coastal areas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨