𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗭𝗢𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang kwarenta y tres anyos na lalaki matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Pozorrubio.

Ang suspek ay kinilalang si Rogie Ordunez residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado diyes ng umaga sa Barangay Alipangpang sa nasabing bayan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang gramo at nagkakahalaga ng mahigit labing tatlong libong piso.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments