Cauayan City – Dahil sa matinding init ng panahon, isa sa madalas maitala ng Health Center sa Brgy. Cabugao ay ang mataas na Blood Pressure.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Catrine Joy Constantino, ang nakatalagang Midwife sa barangay, marami sa bilang ng mga nagpapa check-up sa kanila na nakikitaan ng mataas na Blood Pressure ay mga residenteng may edad na.
Ayon kay Constantino, ito ay dahil sa nararanasang matinding init ng panahon kaya’t pinapayuhan nila ang mga ito na ugaliing uminom ng sapat na tubig at huwag magpapakabilad sa araw.
Sinabi nito na may mga ibinibigay naman silang libreng gamot na maaaring inumin ngunit madalas ay hindi ito sumasapat dahil na rin sa kakulangan sa suplay.
Gayunpaman, nakipag-usap na umano ito sa mga opisyal sa barangay hinggil sa pagbili ng mga kailangang gamot at sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ito.
Sa kabutihang palad, hanggang ngayon ay wala pa namang naitatala sa kanilang barangay ng may malalang nangyari sa mga residente dulot ng heat related illnesses.