𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦 𝗖𝗟𝗘𝗥𝗞, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗔𝗥

Nauwi sa trahedya ang isang masayang outing ng magkakaibigan sa bayan ng Aguilar matapos malunod ang isa sa mga kasamahan ng mga ito.

Ang biktima ay nakilalang si Melvin Manuel residente ng San Carlos City.

Naganap ang insidente sa bahagi ng ilog sa Brgy. Bayaoas nang magtungo ang biktima at ilang mga kaibigan nito sa lugar upang maligo sa ilog.

Matapos mag-inuman ay bigla umanong nagtungo sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima subalit nabigo itong lumutang.

Nakita naman ito makalipas ang ilang sandali at agad na isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments