๐— ๐—˜๐—ž๐—”๐—ก๐—œ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—›๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐Ÿญ๐Ÿฏ-๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ฆ, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข

CAUAYAN CITY – Pinagbabayaran na ngayon ng isang 33-anyos na lalaki ang kaniyang mabigat na kasalanan matapos itong dakpin ng mga awtoridad sa bayan ng Solana, Cagayan dahil sa kasong panggagahasa.
Kinilala ang akusado na si alyas โ€œRickyโ€, 33-anyos, mekaniko, at residente ng nasabing bayan habang ang biktima ay 13-anyos at grade 6 pupil.
Inaresto si Ricky sa kasong 12 counts ng Statutory Rape in relation to RA 7610; 6 counts ng Sexual Assault at 2 counts ng Lascivious Conduct in relation to RA 7610 o โ€œSpecial Protection of children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Actโ€.
Sa report ng PNP Solana, naninirahan sa iisang bahay ang biktima at ang akusado.
Taong 2021 pa ng nagsimula ang pang-aabuso noong iniwan umano ng ina ang biktima sa bahay ng kanyang ka live-in partner at bayaw (akusado).
Nobyembre 2023 ng umalis doon ang biktima at nagtungo sa kanyang mga kamag-anak.
Napansin ng mga pinsan at tiyuhin na madalas tulala at umiiyak ang biktima kaya naman nang kanilang tanungin, dito na isiniwalat ng biktima ang pang-aabusong ginawa sa kanya.
Sa ngayon, nakapiit ang akusado sa PNP Solana para sa kaukulang disposisyon.
Walang nirekomendang piyansa sa kanyang kasong statutory rape habang P200,000 naman ang inilaang piyansa sa bawat bilang sa kasong sexual assault at P180,000 at P200,000 naman sa kasong 2 counts ng lascivious conduct.
Facebook Comments