𝗣𝗢𝗦𝗗 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟𝗟𝗬 𝗖𝗛𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡𝗚𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟𝗦

Cauayan City – Matapos ang ginawang aksyon ng POSD Cauayan sa isang Mentally Challenged Individual na pagala-gala sa lungsod ng Cauayan, nananawagan ito ngayon sa iba pang mga karatig-bayan.
Sa exclusive interview ng 98.5 iFM Cauayan kay POSD CHIEF Pilarito Malillin, nais niyang makipag-ugnayan sa mga karatig-bayan upang makipagtulungan sa gagawing pag-aksyon sa mga pagala-galang indibidwal na may sakit sa pag-iisip.
Bukas umano ang tanggapan ng POSD Cauayan para sa mga nais sumangguni o mag-report patungkol sa mga pagala-galang mentally challenged individual sa lungsod man ng Cauayan o sa ibang bayan.

Aniya, sakaling may makita sila ay kunan lamang ito ng litrato at ipakita sa kanya upang maipadala sa Mental Hospital sa Tuguegarao.
Sinabi ni Chief Malillin na karamihan sa mga indibidwal na ito ay dati ng may record sa pagamutan kaya’t mabilis na lamang na madala pabalik sa Mental Institution basta’t papayag at sasamahan sila ng kanilang mga kaanak.
Hiling rin ni Chief Malillin na huwag sasaktan ang mga ito kapag nakita at sa halip ay ireport na lamang sa kinauukulan para agad na magawan ng aksyon.
Facebook Comments