Nag-umpisa na ang tagisan ng galing sa pamamahayag ng mga mag-aaral mula sa Schools Division Office (SDO)1 ng Pangasinan, na nag-umpisa ngayong araw sa Pangasinan National High School sa bayan ng Lingayen.
Ang nasabing kaganapan na may temang From Campus to the World: The Global Reach of Campus Journalism, ay magtatagal mula ika-22 hanggang 23 ng Pebrero.
Samantala, halos pitumpung paaralan mula sa iba’t-ibang bayan ang lumahok sa taunang press conference kung saan paglalabanan ang iba’t ibang patimpalak. Ilan na lamang dito ang pagsulat ng balita, editoryal, sports, feature, sci-tech, column, pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita, photojournalism, collaborative desktop publishing, editorial cartooning, at radio at tv broadcasting.
Sa unang araw, pagtatalunan ang ilan sa mga individual contests, at sa ikalawang araw naman ang iba’t ibang group contests, kung saan ang mga magkakampeon at ibang mga magwawagi ay irerepresenta ang division sa paparating na Regional Schools Press Conference na gaganapin sa lalawigan ng Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨