𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Mahigpit na ang pagbabantay ngayon sa ilang mga karagatan sa loob ng Pangasinan, kasabay ng mainit na panahon at papalapit na semana santa.

Ilan na lamang sa mga binabantayan ngayon ang mga dagat sa Tondaligan, Lingayen, Binmaley, Bolinao, Dasol, Burgos, San Fabian at marami pang iba.

Ayon sa pamunuan ng Tondaligan Beach Park, umaabot na sa mahigit dalawang libo ang bumibisita tuwing sabado at linggo sa Tondaligan Blue Beach, kaya naman hinihigpitan na nila ang pagbabantay sa mga nagagawi roon.

Samantala, mas inaasahan pa nila na mas dadami pa ang mga bibisita sa susunod na linggo.

Sa buong lalawigan, naghahanda na ang hanay ng iba’t ibang awtoridad upang masiguro ang seguridad ng bawat isa.

Samantala, ayon naman sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, isinailalim na ang lalawigan sa Code White, kung saan sila ay nakatutok na sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa lalawigan upang walang maitalang hindi inaasahang pangyayari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments