𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗜𝗦𝗞 𝗥𝗘𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗨𝗠𝗩𝗔𝗖

Nakatutok na din maging mga kawani ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kaugnay sa summer vacation at long weekend dahil sa Semana Santa.

Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PDRRMO operations head Vincent Jun Chiu, ilang pagpupulong na din ang ginawa nila kaugnay dito upang mapaghandaan ang pagdating ng mga bisita maging mga magbabakasyon.

Inaasahan kasi aniya na mas marami pa ang darating ngayong taon base na din sa monitoring nila taon-taon.

Sa ngayon ay nasa code white ang Pangasinan PDRRMO bagamat inaasahang anumang oras ay pwede na itong i-akyat sa blue alert. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments