Wednesday, February 11, 2026

๐— ๐—š๐—” ๐—œ๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ข๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—ก๐—ฃ-๐—ฆ๐—”๐—™, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—•๐—”๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—”๐—˜ ๐—ฆ๐—ช๐—”๐—ง ๐—–๐—›๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—š๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Cauayan City – Ipinamalas ng Philippine National Policeโ€“Special Action Force (PNP-SAF) ang galing at kakayahan ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado matapos lumahok ang kanilang koponan sa UAE SWAT Challenge 2026, kung saan ang mga kasapi ay pawang nagmula sa Cordillera at kabilang sa mga Igorot.

Sa kanilang paglahok, muling napatunayan na taglay ng mga Igorot ang disiplina, tapang, lakas, at talino na kinakailangan upang makipagsabayan sa isang world-class competition sa larangan ng tactical operations at seguridad.

Pinangunahan ang koponan ni Police Captain Allen Dao-ines mula sa Sagada bilang team leader, kasama sina Police Master Sergeant Rickson Saggut ng Tinglayan, Kalinga; Police Corporal Bruceley Balao-as ng Balbalan, Kalinga; Patrolman John Brendan Gammong ng Pasil, Kalinga; Patrolman Kevin Quezon ng Tinglayan, Kalinga; Police Corporal Jerome Gacayen ng Sadanga, Mountain Province; Police Corporal Alexis Bismonte ng Bauko, Mountain Province; Police Corporal Sylvester Banguigui ng Bauko, Mountain Province; at Patrolman Randall B. Tupac ng Bauko, Mountain Province.

Nagsilbing coach ng koponan si Police Senior Master Sergeant Jonathan Accad mula sa Tinglayan, Kalinga.

Ang kanilang pagsabak sa kompetisyon ay patunay ng kahusayan at dedikasyon ng mga Pilipino, lalo na ng mga Igorot, sa larangan ng espesyal na operasyon at pagpapanatili ng seguridad.

โ€Ž—————————————
โ€Ž
โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ€Ž
โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments