Inilabas ng hanay ng kapulisan ang mga ipinagbabawal na paputok sa selebrasyon ng bagong taon.
Ipinost na rin ng ilang lokal na pamahalaan sa lalawigan ang mga uri ng paputok na hindi maaaring bilhin bilang paalala na rin sa mga residente at sa mga magbabalak na bumili ng paputok.
Sa inilabas ng PNP- Firearms and Explosive Office, ipinagbabawal ang mga paputok na mahigit sa 1/3 teaspoon o 0.2 grams ang pulbura, mga sobrang laking paputok, mga fuse na sobrang liit na nauubos ng kulang sa tatlong segundo o sobrang haba na inaabot ng anim na segundo bago maubos.
Hindi rin pwede ang mga imported at walang label na paputok maging mga paputok na may sulphur o phosphorous na inihalo sa chlorates.
Samantala, tuloy tuloy ang monitoring ang inspection ng hanay ng BFP at LGU sa mga lungsod at bayan sa lalawigan ukol sa safety precautions sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨