Umaasa ang mga Pangasinense sa hindi mataas na presyo ng ilalabas na mga noche Buena products ng Department of Trade and Industry o DTI ngayong linggo.
Bagamat ilang mga pangunahing bilihin tulad ng bigas ay nararanasan sa kasalukuyan ang pagtaas nito sa presyo at hindi rin daw maikaila ng mga mamimili na possible ngang sisirit sa presyo ang ilan sa mga produkto.
Anila mas maigi daw sana kung hindi nila problemahin ang panghanda sa selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon dahil sa mga matataas na presyo.
Samantala, sa usapin naman ng presyo ay hindi muna masasabi ng ahensya kung may paggalaw sa presyo ng mga noche Buena products hangga’t hindi pa ito nailalabas ng ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments