Friday, January 23, 2026

‎𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗝𝗘𝗘𝗣, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚; 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗜𝗖𝗨

Cauayan City – Patuloy pa ring inoobserbahan sa pagamutan ang mga biktimang nakaligtas sa nangyaring banggaan ng Dump Truck at Jeep sa National Highway sa Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela noong, ika-21 ng Enero.

Sa panayam ng IFM News Team kay Police Major Jonathan Ramos, hepe ng Luna Police Station, sinabi nito na lahat ng pasaherong nasaktan sa aksidente ay nasa stable ng kalagayan, maliban na lamang sa isang taong gulang na bata at ang ama nito na kasalukuyang nasa ICU sa isang hospital sa Santiago City.

Aniya, nasa kustodiya pa rin ng Luna Police Station ang driver ng dump truck na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide, Multiple Serious Physical Injury, and Damage to Property.

Ipinagpapasalamat ng hepe na hindi na nadagdagan pa ang bilang ng nasawi sa aksidente.

Samantala, sinabi rin ng hepe na nagpaabot ng pakikiramay ang kumpanya na may-ari ng dump truck at sinabing handa umano silang magpaabot ng tulong sa mga biktima.

Ayon sa ulat mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 2, nakapagpaabot na rin sila ng tulong pinansyal sa mga biktimang kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

‎‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments