𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗦𝗖𝗔𝗠

Pinag-iingat ngayon ang mga Pangasinense ukol sa mga inaasahang paglipana ng mga Love Scam, online, sa papalapit na araw ng mga puso.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan, ang love scam ay kadalasang ginagawa online, kung saan may mga taong magpapanggap o di naman kaya’y bubuo ng emosyonal na koneksyon o relasyon sa mga bibiktimahin nito, upang mas mapadali ang kanilang panloloko sa pamamagitan ng paghingi ng pera o ano pa man sa mga biktima.

Isiniwalat din ng PDRRMO ang iba’t ibang identidad na kadalasang isinasagawa ng mga scammers na ito, tulad na lamang ng Escort, Blackmailer, Slowburn, Predator, Sad boy or Sad Girl, Seducer, Investor, at maging Serviceman.

Babala ng PDRRMO, na maiging kilatisin, at alamin ang mga senyales na itinuturing upang maiwasan ang naturang scam nang hindi mabiktima nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments