𝗡𝗔𝗦𝗔 𝟵𝗞 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗘𝗨𝗠𝗢𝗡𝗜𝗔 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗘

Nasa siyam na libo na (9, 000) mga senior citizens sa lungsod ng Dagupan ang nakatanggap na ng pneumonia vaccine simula noong Dec .27, 2023 hanggang nito lamang January 27, 2024.

Kasunod ito ng nagpapatuloy na pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Dagupeños.

Kasalukuyan ding umaarangkada sa lahat ng tatlumpo’t-isang barangay sa Dagupan ang programang Alagang Healthy Dagupeño na medical at dental mission hatid ang libreng mga serbisyong medikal para sa mga residente.

Samantala, muling palalawigin ang kapakanang pangkalusugan sa darating na buwan ng Hunyo kung saan ihahanda ang pagsasagawa ng minor operations at iba pang health services. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments