Patuloy ang pagpapalakas ng mga isinagawang programa para sa mga persons with disabilities sa lalawigan ng Pangasinan.
Nasa higit isang daang unit ng mobility assistive devices, at nasa pitumpung prosthesis maging pamamahagi ng mga wheelchairs ang ilan sa mga programang napakinabangan ng mga pangasinenseng PWDs.
Sa huling tala ng Philippine Registry of PWDs, nasa higit apatnapung libo o 40, 544 ang mga rehistradong PWDs sa lalawigan.
Mas pinalakas pa ng provincial government ang mga programang at inisyatibong laan para sa mga ito nang sa gayon ay makamit hindi lamang ang pagbibigay pansin sa mga pangangailangan ng mga PWDs bung hindi mapagaan rin ang kani-kanilang mga pamumuhay.
Samantala, nakapagsagawa rin ang provincial government ng hearing test sa animnapung benepisyaryo at pagsasagawa rin ng wheelchair assessment sa pakikipagtulungan ng mga katuwang na enterprises at centers sa ilang kalapit na probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨