𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡𝗜𝗔𝗡𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗝𝗢𝗕𝗦 𝗙𝗔𝗜𝗥

Dagsa ang mga naging aplikante na naghahangad ng trabaho sa ginanap na Jobs fair ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office nito.

Nasa higit isang daan ang mga aplikante na dumalo sa naturang jobs fair kung sa iba’t ibang klase ng oportunidad at trabaho ang nakahanay.

Lima ang hired on the spot para sa mga local companies at labing siyam naman ang near hired na siyang dadaan pa sa final interview para sa local at overseas companies.

Nasa naturang jobs fair rin ang officer mula sa tanggapan ng DMW Regional Office 1 para siguruhing lahat ng overseas companies na sumabak sa jobs fair ay may job fair authority na nakatala sa kanilang sistema.

Ang naturang jobs fair na ito ay may layon na makapagbigay ng oportunidad sa mga naghahangad at mabigyan ng pagkakataon na makapaghanap ng trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments