𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗚𝗥𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡

Umpisa na rin sa pagsasagawa ng segregation ang mga residente sa mga bara-barangay sa lungsod ng Dagupan bilang pagtalima sa mahigpit na pagpapatupad ng LGU sa ‘no segregation, no collection policy’ nito.

Ayaw rin naman umano ng mga residente na matambakan sila ng mga basura sa loob ng kanilang mga kabahayan dahil lang hindi sinunod ang simpleng pagsesegregate ng mga basura.

Maganda rin umano ito na naging hakbang at paghihigpit ng LGU nang sa gayon ay lahat ay makatulong sa pangangalaga sa kapaligiran at maging ang pagbabawas sa mga tambak na basura sa dumpsite ng naturang lungsod.

Napansin na rin ng mga residente ang hindi na pagtanggap ng mga dump trucks sa mga basurang hindi nakasegregate sa tuwing dumarating na ang pangongolekta ng mga ito.

Bagamat hirap pa rin sa pag-iimplementa ang ilan pang barangay ay ginagawa naman na ng mga ito ang kanilang makakaya para hikayatin ang iba pang residente na tumalima sa naturang polisiya para hindi matambakan ng basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments