𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗕𝗔𝗭𝗔𝗔𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Umpisa na kahapon ang paglulunsad ng Mangaldan food bazaar katuwang ang ahensya ng Department of Trade and Industry Pangasinan at Negosyo Center ng bayan kung saan tampok ang mga produktong gawa mismo ng mga Mangaldanian.

Ang naturang bazaar ay bahagi ng selebrasyon pa rin 2024 Mangaldan Town Fiesta at Pindang Festival kung saan naglalayon itong ipakilala at matulungan ang mga maliliit na negosyante sa kanilang mga negosyo gamit ang pag-promote sa kanilang mga produkto sa naturang aktibidad.

Bahagi rin ito ng pagsulong sa ‘One Town, One Product’ (OTOP) sa Mangaldan at tangkilikin ang mga sariling produkto na gawa mismo ng kanilang mga kababayan.

Samantala, magtatagal naman ang pagsasagawa ng naturang food bazaar sa Municipal Hall Grounds mula March 4 hanggang March 7, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments