π— π—šπ—” π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž 𝗑𝗔 π—‘π—”π—›π—¨π—Ÿπ—œπ—”π—‘ π—‘π—š π—›π—”π—Ÿπ—’π—¦ 𝟭.𝟰 π— π—œπ—Ÿπ—¬π—’π—‘π—š π—£π—œπ—¦π—’π—‘π—š π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, π——π—”π—§π—œ π—‘π—š π—‘π—”π—›π—¨π—Ÿπ—œ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—§π—¨π—Ÿπ—”π—— 𝗑𝗔 π—žπ—”π—¦π—’

Dati ng nahuli sa usapin ng illegal drugs ang mga nahuli sa bayan ng Binmaley sa ikinasang buy bust operation sa Binmaley na nagresulta sa pagkakakumpiska ng halos 1.4 milyong pisong halaga ng shabu.

Sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, ilang buwan umano nilang minanmanan ang nasabing mga suspek na mga dati na din nahuli sa usapin ng illegal drugs.

Ayon sa opisyal, hindi taga-Binmaley ang mga nasabing suspek at patuloy pa ang malalimang imbestigasyon sa kung saan nanggagaling ang nasabing mga shabu na nakatakdang ibenta sana sa Pangasinan.

Samantala aminado naman ito na tila dumadami ulit ang usapin ng illegal drugs sa Pangasinan bagamat ginagawa ang lahat para masugpo nila ito.

Matatandaan na nasa β‚±1,360 000.00 ang nakumpiska ng PDEA at PNP sa ikinasang buy bust operation sa isang barangay sa Binmaley. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments