𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘

May panawagan ngayon ang ilang tsuper mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa umiiral na provisional fare increase na matatandaang naging epektibo noong October 2023.

Bunsod ng nararanasang walang humpay na pagtaas sa presyo ng krudo ay maliit na lang daw talaga ang kita sa arawang pamamasada ng mga ito dahil ang kalahati ay halos napupunta lahat sa kanilang panggasolina.

Kaya naman panawagan ng mga ito sa mga pasahero na sundin ang umiiral na dagdag pisong pasahe dahil malaking bagay na raw ang pisong dagdag kung maiipon.

Dagdag pa ng mga PUJ drivers ay may nakalagay naman daw na taripa o ito ang bagong fare matrix na nagsasaad sa naturang provisional fare increase.

Napansin daw ng mga ito na kung hindi sila magsasabi na trese pesos para sa regular na pasahero at onse pesos para naman sa mga discounted ay nananatiling sampung piso ang ibinabayad ng mga ito.

Samantala, matatandaan na may rollback man na epektibo ngayong araw, katiting lang ito at hindi umano ramdam ng mga drivers dahil sa laki ng oil price hike noong mga nakalipas na linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments