𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa ang opisyal na pagpapakilala sa mga officer ng PNP Media Press Corps Pangasinan Chapter kung saan kinabibilangan ng hanay ng kapulisan at mga nasa media sa lalawigan.

Dumalo sa naturang pagpapakilala ang Bise Gobernador ng lalawigan, Mark Ronald Lambino, kung saan nanguna sa pangangako ng mga media officers sa kanilang tungkulin bilang kaagapay ng PNP.

Nagbigay rin ng mensahe ang Provincial Director ng PNP na si PCOL Jeff Fanged at nagbigay diin sa kakayahan at koneksyon ng media para sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon maging pagiging katuwang ng PNP.

Samantala, kasama rin sa naturang pagpapakilala ang mga reporters at journalist mula sa iba’t ibang media sa lalawigan maging mga iba pang kawani ng PNP Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments