𝗠𝗚𝗔 𝗨𝗡𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗨𝗩𝗦, 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗚𝗜𝗧 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡

Pagbibigyan muna ng hanggang sa labinlimang araw ang mga nananatiling unconsolidated Public Utility Vehicles (PUVs) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago tuluyang manghuli ang mga ito kasunod ang pagtatapos ng deadline ng consolidation ngayong araw.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, kung patuloy na makitang pumasada ang mga hindi pa nakakapag consolidate ay pagsasabihan muna ang mga ito na huwag nang bumyahe at bibigyan ng show cause order upang magpaliwanag.

Kaugnay nito, inaasahang maglalabas ang ahensya ng memorandum circular ukol sa kung ano ang mangyayari sa mga unconsolidated simula May 1 bagamat nauna nang inihayag na posibleng bawiin ang mga prangkisa ng mga hindi nakakapag consolidate.

Samantala, sa Pangasinan, halos isang daang porsyento na mga pampublikong sasakyan ang napabilang sa PUV Consolidation sa ilalim ng isinusulong na PUV Modernization Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments