𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔

Hindi nakiisa ang ilang transport groups sa lalawigan ng Pangasinan, sa ikinasang tigil pasada ng grupong Piston sa buong bansa, sa mga huling araw ng deadline ng PUV Consolidation.

Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Autopro One Pangasinan Federation President Bernard Tuliao, nasa isang porsyento na lamang ang tinatayang hindi pa nakapag consolidate o katumbas ng 37 jeepney units.

Dagdag pa niya na ang mga nasabing jeepneys ay mula sa eastern Pangasinan kung saan may kakaunting jeepney lamang ang pumapasada sa kanilang mga ruta.

Samantala, patuloy pa rin sa pagpasada ang mga consolidated jeep dahil hindi sila itinuturing na kolorum. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments