Ipinagdiriwang sa bayan ng Sta. Maria ang Mushroom Festival kung saan hindi mawawala ang cookfest tampok ang iba-ibang recipe ng nasabing produkto.
Layunin ng aktibidad na mapatunayang maraming putahe ang maaaring gawin sa mushroom at mahalaga na matutunan ang kakaibang luto nito.
Ayon kay Irma Baltero, ang Chairman ng Mushroom Festival, sa bawat taon ay mas nadagdagan ang putahe na kanilang nadidiskubre at pinaniniwalaang nagpapataas ng kabuhayan sa Sta. Maria.
Kaugnay nito, pinatunayan ni Municipal Agriculture Dr. Reynaldo Segui Jr. na maganda ang maidudulot ng mushroom sa kalusugan lalo na ito ay organic. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments