𝗡𝗔𝗔𝗔𝗚𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗔𝗧

Nakitang palutang-lutang ng mag-amang mangingisda ang naagnas na bangkay ng isang lalaki sa dagat na sakop ng Brgy. Cabaruan, Sto. Tomas, La Union.

Ayon sa salaysay ng mga saksi, alas sais ng umaga nang matagpuan ang bangkay na palutang lutang sa dagat.

Agad na ipinagbigay alam sa awtoridad ang insidente dahilan upang agad na maiahon ang bangkay sa dagat.

Nang makita itl walang suot na damit na pang-itaas at puno ng tattoo ang kanyang balikat at kanang hita. Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 anyos ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pagkakakilanlan ng biktima at dahilan ng kanyang pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments