Sunday, July 12, 2026

π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—‘π—š 𝗑𝗔 π— π—”π—šπ—£π—œπ—‘π—¦π—”π—‘, π—¦π—¨π—šπ—”π—§π—”π—‘ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—¦π—¨π— π—”π—Ÿπ—£π—’π—ž π—”π—‘π—š π—¦π—œπ—‘π—”π—¦π—”π—žπ—¬π—”π—‘π—š 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—¦π—œπ—žπ—Ÿπ—’ 𝗦𝗔 π—£π—’π—¦π—§π—˜

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng dalawang estudyante matapos sumalpok sa isang poste ang sinasakyang motorsiklo sa poste ng kuryente sa kahabaan ng Brgy. Cablong, Pozorrubio, Pangasinan.

Ang mga biktima ay edad 21 at 18 anyos na pawang hindi nakasuot ng helmet nang mangyari ang insidente. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na galing sa inuman ang magpinsan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan upang bumangga ang mga ito sa poste.

Tumilapon ang dalawa dahil sa lakas ng pagkakabangga na agad namang naitakbo sa pagamutan. Nagpositibo ang dalawa sa alcohol breath test at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments