𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗘, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗞 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦

CAUAYAN CITY – Dumalo sa NAGKAISA Leadership Convergence ang mga SK Federation Presidents mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod maging ang mga miyembro ng NAGKAISA Provincial Youth Development Council.

Inorganisa ng Provincial Government of Isabela (PGI) at Provincial Youth Development Office (PYDO) ang nasabing aktibidad sa GFNDy Sr. Hall, Isabela Provincial Capitol.

Bahagi ng nasabing aktibidad ay ang pagkakaroon ng talakayan at pagsasanay tungkol sa proseso ng drafting, passing, at approving ng isang resolusyon.


Ipinakita rin sa mga kalahok ang mga plano na siyang magiging daan upang mapabuti at mapaunlad ang organisasyon ng kabataan para sa taong 2023-2025.

Facebook Comments