Patuloy na nakatutok ang mga health authorities sa lalawigan ng pangasinan dahil sa patuloy na pagkakatala ng magkakasunod na mataas na heat index.
Nananatiling pasok sa ilalim ng ‘Danger’ category ang naitatalang heat index sa lalawigan ng Pangasinan.
Kahapon, April 14, pumalo pa sa 46°C ang naitala ng PAGASA Dagupan.
Matataas din ang naitalang heat index sa apat na lugar sa Pangasinan, ito ay ang mga bayan ng San Fabian na nakapagtala ng 47°C, Rosales – 46°C, Asingan – 45°C, at Binalonan – 44°C habang ang Dagupan – 42°C.
Kabilang ang lungsod ng Dagupan sa closely monitored areas ng PAGASA bilang nakapagtatala ito ng pinakamataas ng heat index sa buong bansa sa mga nagdaang araw.
Inaasahan na mas mataas pang temperatura at init ng nararamdaman ang maitatala sa sunod na buwan bunsod pa rin ng panahon ng tag-init na sinabayan pa ng El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨