𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Nakararanas umano ng stress ang ilan sa alagang hayop ng mga pet owners sa Dagupan City dulot pa rin ng matinding init ng panahon.

Ang mga pet owners simabing nahihirapan umanong makatulog ng maayos ang ilan sa kanilang mga alagang hayop tulad ng aso at pusa dahil sa init na nararamdaman.

Nakakaapekto at nadadagdagan din kasi ang nararamdaman na init ng mga ito dahil sa kanilang mga balahibo.

Nirerekomenda naman ngayon ng awtoridad na ipa-trim muna o bawasan ang balahibo ng mga alagang hayop para maibsan ang kanilang stress na nararanasan sa init ng panahon.

Mas mainam rin kung madalas ang pagpapaligo sa mga ito at maging pagpapalit ng kanilang mga tubig na iniinom. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments