Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang napipintong pagpapasinaya sa groundbreaking ceremony ng Pangasinan Link Expressway sa darating na buwan ng Marso.
Nagkakahalaga ang naturang proyektong imprastraktura ng P34-Bilyon na selyado at nilagdaan sa pamamagitan ng isang joint venture agreement at Tollway Concession Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at San Miguel Holdings Corporation.
Inaasahan na sa pagtatapos nito ay mababawasan na ang travel time o oras ng pagbiyahe mula Binalonan hanggang Lingayen, sa dating isang oras at kwarenta minutos na biyahe (1.40minutes) ay magiging 20 hanggang 30 minuto na lamang.
Kabilang pa sa layunin nito ang masolusyunan ang mas lumalalang problema sa trapiko sa lalawigan, magbukas ng oportunidad sa pagpapalago ng turismo, ekonomiya maging employment ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨