𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗕𝗢𝗠𝗕 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗡𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗚𝗨

Naglabas na ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Lingayen, sa Pangasinan kaugnay sa umano’y bomb threat sa isang paaralan sa nasabing bayan.

Ayon sa OIC Chief of Police ng Lingayen Police Station, negative ang isinagawang search at walang natagpuang bomba sa lugar.

Matapos ding matanggap ang bomb threat sa katauhan ng hindi pa nakikilalang tao ay agad na sinuspinde ang klase sa Pangasinan National High School maging ang Pangasinan State University-Lingayen Campus at agad itong nirespondehan ng kawani mula sa hanay ng Kapulisan, LDRRMO, BFP katuwang ang K9 Dept upang masiyasat ang buong bisinidad.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang kaukulang imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments