π—‘π—˜π—šπ—’π—¦π—¬π—”π—‘π—§π—˜, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—˜π—¦π—§π—”π—™π—”

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng isang negosyante matapos itong maaresto ng mga awtoridad kahapon ika-31 ng Mayo dahil sa kasong Estafa.

Sa bisa ng Warrant of Arrest, dinakip ang suspek na kinilalang si Alyas “Jun”, 46-anyos, negosyante, at tubong Claveria, Cagayan.

P16,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas “Jun”.


Samantala, sa kasalukuyan ay pansamantalang nasa kustodiya ng Claveria PS ang suspek para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments