Dalagitang bagong pasok sa bakery, hinalay ng amo sa unang araw ng trabaho

Isang 17-anyos na dalagita ang hinalay ng sariling amo sa unang araw ng trabaho nito sa isang bakery sa Quezon City.

Ayon sa ulat, mula sa kanilang tahanan sa Mindoro ay nakahanap ito ng trabaho sa Metro Manila.

Sa halip na gumanda ang buhay ay napasama lamang ito dahil sa ginawang kahalayan ng kaniyang amo.


Makailang beses umanong nangyari ang panghahalay sa trabaho bago tuluyang magdesisyon na magsumbong sa National Bureau of Investigation (NBI).

Mahaharap sa kasong rape at sextortion ang suspek na nakakulong sa kustodiya ng NBI sa Quezon City.

Facebook Comments