𝗡𝗘𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗜 𝗖𝗔𝗧𝗥𝗜𝗢𝗡𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗠 𝗠𝗜𝗟𝗕𝗬

CAUAYAN CITY – Palaisipan sa mga netizens ang hindi pagdalo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa birthday party ng kanyang fiancé na si Sam Milby.

Hindi rin binati ng beauty queen ang aktor sa kanyang social media accounts na dati naman ay ginagawa ni Catriona sa mga nakaraang birthday ni Sam.

Dahil dito, nagkaroon ng mga haka-haka at balita na totoong hiwalay na ang dalawa.


Ginanap ang kaarawan ng aktor sa Manila House Private Members Club sa Taguig City na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Unang umingay ang balitang hiwalayan ng dalawa ng burahin ni Catriona sa kanyang Instagram ang engagement photos nila ni Sam at ng mapansin din ng mga netizens na hindi suot ng beauty queen ang engagement ring nito.

Facebook Comments