𝗡𝗢 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗟𝗢𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Kabilang sa tinututukan ngayon sa lungsod ng Dagupan ang umiiral na mga polisiya at kautusan kaugnay sa pamamalakad sa mga pampasaherong bangka partikular sa mga barangay islands ng lungsod.

Matatandaan na nakipagpulong ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan, kasama ang Dagupan PCG at PCG Sual.

Binigyang diin sa naganap na pulong ang “No Overloading” Policy kung saan hindi dapat lalagpas sa labinlima o 15 pasahero ang sumasakay sa isang motorboat upang matiyak nito ang kaligtasan ng mga pasahero.

Bagamat magkakaiba ang bilang ng sumasakay ng mga boat operators dahil mayroon silang sinusunod na bilang ng pasahero, at pagkokonsidera rin sa laki o sukat ng kanilang pumapasadang bangka ay tinitiyak naman daw ng mga motorboat drivers na sumusunod ang mga ito sa nararapat at umiiral na fare matrix.

Sa daungan ng mga residente sa Brgy. Calmay, nananatiling P20 kada isa ang minimum fare at nasa walo naman ang kinakarga nitong pasahero.

Tinatalakay din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng navigational lights na magsisilbing signal sa kailugan upang maiwasan ang anumang water incidents.

Samantala, bahagi rin sa usapin ang pagkakaroon ng mga life jacket at vest na dapat umano ay suot ng mga pasahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments