π—’π—£π—Ÿπ—”π—‘ π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ 𝗑𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗑𝗔𝗑, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š 𝗕𝗙𝗣 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑

Cauayan City – Kaugnay sa selebrasyon ng Fire Prevention Month, patuloy ang pagsasagawa ng Bureau of Fire Protection Cauayan City ng kanilang programang OPLAN: Ligtas na Pamayanan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Deputy City Fire Marshall Benjamin Amistad, isa ang programang ito sa tuloy-tuloy na ginagawa ng BFP.

Target na isagawa ang programang ito sa lahat ng barangay sa lungsod ng Cauayan kung saan nauna ng ginanap ang naturang programa sa Brgy. District 1, 2 at 3 sa lungsod ng Cauayan.


Sinabi ni Deputy Amistad na sisikapin nilang mapuntahan ang 65 barangay na sakop ng Lungsod upang maisagawa ang naturang programa.

Nakapaloob sa programang ito ay ang pagsasagawa ng Fire Safety Lectures at Seminars sa bawat pamilya sa isang komunidad.

Ang mga kawani ng BFP ay bumibisita rin sa bawat bahay upang suriin ang mga kagamitan at tingnan ang kalagayan lalo na mga kabahayan na dikit-dikit at kabilang sa High Hazzard.

Dagdag pa ni Deputy Amistad, sila ay nakikipag-ugnayan sa mga Barangay Officials upang maimplementa ng maayos ang programang ito sa mga barangay sa lungsod.

Facebook Comments